DOLLY DE LEON, BIBIDA SA HOLLYWOOD DRAMA SERIES KASAMA SI NICOLE KIDMAN

 


DOLLY DE LEON, BIBIDA SA HOLLYWOOD DRAMA SERIES KASAMA SI NICOLE KIDMAN

Makakasama ni Dolly de Leon ang award-winning Hollywood actress na si Nicole Kidman, matapos itong mapabilang sa cast ng second season ng seryeng “Nine Perfect Strangers”.

Base sa ulat ng U.S media outlet na Deadline, makakasama rin ng Filipina actress sina Murray Bartlett ng The Last of Us, Turkish actor na si Aras Aydin, si Maisie Richardson-Sellers ng Legends of Tomorrow at ang Norwegian actress na si Liv Ullman. 

Samantala, ang “Nine Perfect Strangers” ay base sa isang nobela,ni Liane Moriarty na unang ipinalabas noong September 2021. 

Matatandaan naman na si de Leon ay mas nakilala sa pag-ganap nito bilang Abigail sa “Triangle of Sadness” ng Swede director na si Ruben Östlund. Siya rin ang kauna-unahang Pinay na nakakuha ng nominasyon bilang Best Supporting Actress sa Golden Globe Awards.

 

| MA JOY REYES

Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:

#D3BIO

#DTX500

#PURECEE

#DTXCOFFEEMIX

Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog