PRANGKISA NG CEBU PACIFIC, DAPAT SUSPINDIHIN – CDO REP. RUFUS RODRIGUEZ
Hinikayat ng ilang mga mambabatas ang Kongreso na suspindihin ang prangkisa ng Cebu Pacific dahil sa hindi magandang serbisyo nito.
Ayon kay Cagayan de Oro Rep.
Rufus Rodriguez, kinakailangan aniya na pansamantala munang bawiin ng Kongreso ang
alinmang pribiliheyong natatanggap ng Cebu Pacific hanggang sa oras na kaya na
nitong maibigay ang maayos na serbisyo sa mga pasahero.
Ito’y sa kabila ng dumaraming reklamo mula sa mga pasahero nito ukol sa low-cost carrier para sa overbooking, offloading, at booking glitches.
Samantala, binigyan ng
40-taon na pangkisa ang Cebu Pacific na makapg-operate noong 1991 ngunit ayon
sa batas, maaari itong amyendahan o bawiin ng Kongreso depende sa kung ano ang
makakabuti sa lahat.
//Sam Zaulda
Ang bahaging ito ay hatid sa
inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#MIGHTYCEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod –
tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments