CHANNEL NI QUIBOLOY, TULUYAN NANG TINANGGAL NG YOUTUBE

 


CHANNEL NI QUIBOLOY, TULUYAN NANG TINANGGAL NG YOUTUBE

 

Tinanggal na ng YouTube ang official channel ng isang religious leader na si Apollo Quiboloy matapos ang ilang mga paglabag sa kanilang community guidelines. 

Ibinahagi ng YouTube ang kanilang naging desisyon sa Twitter bilang aksyon sa ilang mga natatanggap na reklamo mula sa ilang YouTuber. 



Isa na rito ang Gaming YouTuber Mutahar o mas kilala bilang SomeOrdinaryGamers na nagpaabot ng ilang mga isyu ukol sa channel ni Quiboloy sa YouTube. Kung saan, binanggit nito ang ilang mga kaso ng human trafficking laban sa founder ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na inihain sa Estados Unidos. 

Kung matatandaan, pinatawan ng parusa si Quiboloy ng US Treasury Department noong nakaraang taon dahil sa kanyang pagkakasangkot sa korapsyon at pag-aabuso ng karapatang pantao. 

Samantala, sinagot naman ni Quiboloy ang mga akusasyon sa pamamagitan ng paghahalintulad ng kaniyang sarili sa isang karakter sa Bibliya na tumutukoy sa kanyang sarili bilang “Modernong Joseph” mula sa libro ng Genesis na dumadanas ng mga kapighatian.

 

//Sam Zaulda

Ang bahaging ito ay hatid sa inyo ng:

#D3BIO

#DTX500

#PURECEE

#MIGHTYCEE

#DTXCOFFEEMIX 

Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog