POPE FRANCIS, NAHIHIRAPAN PA RING HUMINGA DAHIL SA EPEKTO NG ANESTHESIA
Ni John Ronald Guarin
Hindi na nakapagbigay ng talumpati si Pope Francis sa isang conference nitong Huwebes dahil hirap pa rin siyang huminga kasunod ng hernia operation nitong buwan.
“I am still under the effects of anesthesia, my breathing is not good,” pahayag ng Santo Papa sa isang meeting sa Catholic Oriental Church, at sinabing matatanggap na lamang ng delegates ang text ng speech.
Nang tanungin kung ano ang nararamdaman, tumugon ang 86-anyos na papa: “I’m still alive.”
Inoperahan si Pope Francis noong Hunyo 7 upang ayusin ang abdominal hernia.
Namalagi sa ospital ang Santo Papa sa loobg ng siyam na araw at mula nang makabalik sa Vatican noong Biyernes, naging abala na, kung saan kabilang sa kanyang mga gawain ang pakikipagpulong sa presidente ng Cuba at Brazil.
via Rappler
Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:
Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments