LALAKI SA INDIA NANIRAHAN SA ISANG 5-STAR HOTEL NG HALOS 2 TAON NA LIBRE?



LALAKI SA INDIA NANIRAHAN SA ISANG 5-STAR HOTEL NG HALOS 2 TAON NA LIBRE?

Ni Rio Trayco

Iniimbestigahan ng mga pulis sa bansang India ang isang lalaki dahil sa pamamalagi nito sa isang mamahaling hotel ng halos dalawang taon nang hindi nagbabayad.

Pinagdududahan kasing fraudster ang lalaking kinilalang si Ankush Dutta matapos itong tumira sa Roseate House hotel sa New Delhi ng 603 nights.

Batay sa report, nag-booked ng overnight stay na kuwarto si Dutta sa nasabing hotel noong May 30, 2019, pero na-extend ito ng 603-nights kung saan nag check-out siya noong January 22, 2021 at nag iwan ng bill na $70,000.

Lumalabas na sinuhulan ng lalaki ang mga staff ng hotel para pagtakpan ang records.

Samantala nagsampa na ng reklamo ang pamunuan ng hotel laban sa mga empleyado nitong nakipagsabwatan kay Dutta sa pag-aayos ng software system para hindi matuklasan ang kanilang ginawa.

Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:
Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog