MAS MATAAS NA SIN TAX SA JUNK FOODS, PINAG-AARALAN NA NG GOBYERNO
Ni Rio Trayco
Nakikipagtulungan ang Department of Finance (DOF) sa Department of Health (DOH) para pag-aralan ang pagpataw ng mas mataas na buwis sa junk food at matatamis na mga inumin.
Ang naturang hakbang ay parte ng kampanya ng DOH na hikayatin ang publiko na iwasan ang pagtangkilik sa mga produktong nagiging sanhi ng sakit na diabetes at iba pang problema sa kalusugan.
Sa isang pahayag ng DOF, planong patawan ng P10 na tax ang bawat 100 grams o P10 per 100 ml sa pre-packaged foods na "lacking nutritional value" at sumusobra sa limitasyon ng DOH pagdating sa fat, salt, at sugar content.
Sa mga sweetened beverages naman itataas sa P12 per liter ang tax sa kahit na anong uri ng pampatamis na ginamit sa inumin.
Kapag nasimulan ang implementasyon nito ay inaasahang kikita ang gobyerno ng karagdagang P76 billion na revenue bawat taon.
Sa pamamagitan nito nais ng DOH na mabawasan ang obesity sa bansa at gagamitin ang nakolektang pera mula sa sin tax sa Universal Health Care program ng gobyerno.
Tintayang umaabot sa 27 million na Pinoy ang sobra sa timbang ayon sa report ng Unicef noong March 2022.
Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:
Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments