LALAKING NAKAPAA AT WALANG DAMIT, BUMILI NG SUV

 
Photos from Richmond John Cristobal

“AKO ‘PAG BUMILI NG SASAKYAN”
 
Good vibes ang hatid ng isang lalaking ito na bumili ng SUV ng nakapaa at walang damit na parang bumili lang ng yosi sa tindahan.
 
Sa isang post ni Richmond John Cristobal, ibinahagi nito ang ilang mga larawan ng kaniyang kliyente na masayang nagpakuha ng larawan sa nabiling bagong sasakyan nang walang damit at nakayapak.
 
Umaabot naman sa halos ₱1.8-milyon ang halaga ng sasakyang nabili ng isang negosyante sa Gensan fish port.
 
Marami namang netizens ang naaliw at nabilib kay Richmond dahil sa hindi nito paghusga sa kanyang kliyente.
 
Habang, mayroon namang nagkomento ng kanilang pagbati sa lalaking nakabili ng mamahaling sasakyan.
 
“Isang Stick ng Marlboro Red at Isang FORD EVEREST yung Puti! 😂
CONGRATULATIONS TO TUPAS FAMILY🎊🎊🎊
-Grabe si Boss, Parang bumili lang sa tindahan 😂😂
Kuya 🦅Carl Cy Tupas Idol talaga kita 😂
My Client, My Brother from Henerals Eagles Club”



 
Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:
 
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
 
Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
 
Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!
 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog