PINAKAMALAKING KIDNEY STONE SA BUONG MUNDO, NAKUHA SA ISANG PASYENTE SA SRI LANKA

 


PINAKAMALAKING KIDNEY STONE SA BUONG MUNDO, NAKUHA SA ISANG PASYENTE SA SRI LANKA

Ni John Ronald Guarin

 

 

Nakagawa ng Guinness World Record ang mga doktor ng Sri Lanka matapos nilang makuha ang pinakamalaking kidney stone sa buong mundo mula sa isang nagretirong sundalo ngayong buwan ng Hunyo.

 

Ayon sa Sri Lankan Army, nakuha ang 1.76 pounds na kidney stone sa 62 anyos na sundalo na si Canistus Coonge noong Hunyo 1 sa Columbo Army Hospital.

 

Tinatayang nasa 5.264 inches ang laki ng kidney stone—kasing laki ng isang pomelo.

 

Kaya naman nilagay ito sa listahan ng Guinness World Records bilang “largest and the heaviest kidney stone” na inalis sa katawan ng tao sa pamamagitan ng surgery.

 

 

️New York Post

📷Sri Lanka Army

 

 

Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:

#D3BIO

#DTX500

#PURECEE

#DTXCOFFEEMIX

Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!


Post a Comment

0 Comments

Search This Blog