YAYA, NAHULING TINATAPON AT SINASAMPAL ANG 2 ANYOS NA BATA

 


YAYA, NAHULING TINATAPON AT SINASAMPAL ANG 2 ANYOS NA BATA

Ni John Ronald Guarin

 

 

Ikinagulat ng isang ina sa New York ang pang-aabuso ng isang yaya sa kaniyang sa 2 anyos na anak matapos niya itong mahuli sa Ring camera.

 

Nang tingnan ng ina na si Kristla Holmes ang kaniyang surveillance camera habang nagtatrabaho, nakita niyang itinatapon ng yayang si Chantal Mason ang kaniyang anak at pinagsasampal pa.

 

Maririnig pa na sinisigawan ni Mason ang 2 anyos na bata ng “Be quiet!”, at “Lay you’re a** down and go to sleep.”

 

Ayon kay Holmes, isang matalik na kaibigan si Mason sa loob ng 15 taon at ipinagkaloob niya na walang mangyayaring masama kung siya ang mag-aalaga sa kaniyang anak ngunit iba pala ang nangyayari.

 

Matapos niya makita ang pang-aabuso sa Ring camera, mabilis na umuwi si Holmes at nakitang may mga sugat ang kaniyang anak.

 

Agad na tumawag ng pulis si Holmes at inaresto ang yaya sa Orange County Jail.

 

Sa kasamaang palad, pinalabas naman agad si Mason.

 

Sinabi pa ni Holmes na mag-ingat sa mga pinagkakatiwalaan kahit matagal na kayong may pinagsamahan.

 

 

️New York Post

📷CBS News New York

 

 

Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:

#D3BIO

#DTX500

#PURECEE

#DTXCOFFEEMIX

Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog