PAGPASOK NG TAG-ULAN SA BANSA NAGSIMULA NA; 10-15 BAGYO
HANGGANG OKTOBRE, POSIBLE-PAGASA
Ni Teresa Iguid
Pormal nang inanunsiyo ng PAGASA ang pagpasok ng tag-ulan sa
bansa.
Ayon sa PAGASA, ang nararanasang kalat kalat na
thunderstorms, ang pagpasok ng Super Typhoon “Betty” at ang pag-iral ng Habagat
sa nakalipas na araw ay nagdala ng pag-uulan sa western sections ng Luzon at
Visayas ay hudyat nang pagpasok ng rainy season sa bansa.
Habang posible rin aniyang magkaroon ng monsoon breaks na
maaring magtagal ng ilang araw.
Kaugnay dito, ibinabala din ng weather bureau na nasa 10
hanggang 15 bagyo pa ang aasahan na papasok hanggang Oktubre.
Ilan umano sa mga bagyo ay maaaring mag-landfall partikular
sa Luzon at Visayas, ngunit ang iba ay maaari lamang magpalakas ng habagat o
habagat, lalo na sa kanlurang bahagi ng bansa.
Samantala maaari rin ayon sa PAGASA na magdeklara ng El Niño
phenomenon sa buwang ito o sa Hulyo, ngunit hindi ito nangangahulugan ng
pagbaba ng pag-ulan.
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga
botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa
Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod –
tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments