Courtesy: Erwan Heusaff/Instagram |
ERWAN HEUSAFF, UMANI NG
NOMINASYON SA JAMES BEARD AWARD PARA SA ‘ADVOCAY OF FILIPINO CUISINE’
Ni
Sam Zaulda
Nominado ang French-Filipino
content creator na si Erwan Heussaff sa The James Beard Awards na may bansag na
“Oscars of the Food Community”.
Napili si Heusaff bilang
nominado sa “Broadcast Media Award” sa ilalim ng “Social Media Account”
category para sa kanyang Instagram account na @erwan kasama ang international
content creators na sina Nom Life at Kalamatas Kitchen.
Layunin ng naturang parangal
na makilala ang kahusayan sa pag-post ng mga content na may kaugnayan sa
pagkain o ang pagkakaroon ng compilation post na hindi bababa sa tatlo kung
saan, mayroon itong malinaw na pagre-representa sa intensyon ng isang Facebook
page, Twitter account, TikTok account, Instagram feed, o iba pang social media
format.
Samantala, kasama rin sa mga
nominado ang ilan pang Pinoy para sa Best Chef: Northwest and Pacific ng Archipelago’s
Chef Aaron Verzosa at Outstanding Pastry Chef or Baker ng ABACÁ’s Chef Vince
Bugtong & République’s Chef Margarita Manzke.
Ang balitang ito ay hatid sa
inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga
botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa
Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod –
tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments