BETERANONG AKTOR NA SI JOHN REGALA, PUMANAW NA SA EDAD NA 58
Ni Teresa Iguid
Pumanaw na ang beteranong aktor na si John Regala sa edad na
58 nitong Sabado, Hunyo 3, dahil sa iniindang sakit.
Batay sa ulat binawian ng buhay si Regala sa isang ospital
matapos itong mag-cardiac arrest dulot ng liver at kidney complications.
Nabatid din na tatlong linggo na itong nasa ilalim ng
critical care ng ospital ang aktor bago siya masawi.
Sa ngayon ay inaayos na raw ng pamilya ang wake arrangements
para kay Regala sa St. Peter Chapels sa Tandang Sora, Quezon City.
Matatandaan na nakilala ang aktor sa kanyang mga kontrabida
role noong dekada ‘80s hanggang ‘90s.
Samantal naging bahagi ang beteranong aktor ng iba’t ibang
palabas sa telebisyon, kung saan huli itong napanood sa FPJ’s Ang Probinsyano
bago nag-pandemic.
Ang balitang ito ay hatid sa
inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga
botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa
Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod –
tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments