PAGPAPATUPAD
NG UNIVERSAL HEALTH CARE, ISA SA PINAKAMALAKING PROYEKTO NG ADMINISTRASYONG
MARCOS
Ni Jurry Lie Vicente
Inanunsyo ni Pres.
Ferdinand Marcos Jr., na ang pagpapatupad ng Universal Health Care Act ay isa
sa pinakamalaking proyekto ng administrasyon.
Ayon sa Pangulo,
pinag-aaralan na ni DOH Sec. Teodoro Herbosa ang pagpapatupad ng batas matapos
na naging matagumpay ito sa South Cotabato.
Matandaan na ang Universal
Health Care Act ay pinirmahan noong 2019 ni dating Pres. Rodrigo Duterte at
inaasahan ang full implementation nito sa loob ng sampung taon.
Kaugnay dito, sinabi
ng Pangulo na dapat suportahan ang publiko sa pagbili ng gamot, pagkonsulta sa
doktor, gayundin ang hospitalization at pagpapagamot.
Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De
Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave.
Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag
kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

0 Comments