APAT NA MIYEMBRO NG PAMILYA, BINARIL-PATAY SA HIMAMAYLAN CITY

 


(TRIGGER WARNING: GRAPHIC CONTENT)

APAT NA MIYEMBRO NG PAMILYA, BINARIL-PATAY SA HIMAMAYLAN CITY

Ni John Ronald Guarin

 

Patay ang mag-asawa at ang dalawang menor-de-edad na bata matapos itong pagbabarilin gamit ang hinihinalang high-powered firearms ng hindi pa nakilalang mga suspek sa Barangay Buenavista, Himamaylan City, Negros Occidental, Hunyo 14 ng gabi.

 

Kinilala ang mag-asawang sina Imelda Fausto at Rolly Fausta, habang ang kanilang mga anak na lalaki ay nasa edad 15 at 11 taong gulang.

 

Nakita ang katawan ng isang bata sa baba ng bahay habang ang isa naman ay natagpuang nakasabit sa may pintuan.

 

Ayon naman sa mga otoridad, nakita ang katawan ng ama sa maisan at kinumpirmang wala rin itong buhay.

 

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng kapulisan kung ano ang motibo sa krimen.

 

 

Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:

#D3BIO

#DTX500

#PURECEE

#DTXCOFFEEMIX

Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.

 

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog