Inanunsyo ng Department of Health (DOH) ang pagpapalawig ng
national supplemental immunization campaign laban sa measles, rubella, at polio
hanggang ika-15 ng Hunyo.
Ayon sa orihinal na target ng ahensya, hanggang sa buwan ng
Mayo lang dapat ang pagbabakuna sa ilalim ng programang “Chikiting Ligtas
2023.”
Inilunsad ang nasabing programa matapos maglabas ng datos
ang Unicef ng 25% na pagbaba sa pananaw ng publiko tungkol sa mga bakuna noong
kasagsagan ng pandemya.
Sa ngayon nasa 9.7 million na mga bata na ang nabakunahan
laban sa mga nasabing sakit.
Nanindigan ang DOH na malaking epekto ng pampubliong
kalusugan ang pagpapabakuna lalong-lalo na laban sa measles at polio.
|Rio Trayco
Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga
bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it
Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments