P50K NA PABUYA, IBIBIGAY SA MAKAKAPAGTURO SA SUSPEK NG BROADCASTER-KILLING SA MINDORO


 

Inanunsyo ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) na magbibigay ito ng P50,000 na pabuya sa sinumang makakapagbigay ng impormasyon ukol sa suspek na sangkot sa pagkamatay ng isang brodkaster sa Mindoro. 

Kung matatandaan, nangyari ang insidente nitong Miyerkules kung saan binaril ng hindi pa nakikilalang mga suspek sakay ng motorsiklo ang biktimang si Cresenciano “Cris” Bundoquin malapit sa isang tindahan sa Sta. Isabel village sa Calapan City, Oriental Mindoro.

Kilala si Bundoquin bilang isang radio broadcaster ng “Ayos Mandin” show sa dwXR 101.7 Kalahi FM. 

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, sinasabing ginamit lamang umano ng actual gunman ang kasama nitong suspek na driver ng motorsiklo at nabaril-patay ng mga rumespondeng pulis sa lugar. 

Kung kaya’t patuloy na pinaghahanap pa rin ang actual gunman na subject sa police manhunt. 

Samantala, nagpaabot naman ng pakikiramay si PTFoMS executive director Paul Gutierrez kasama na ang Presidential Communications Office at ang Department of Justice sa naiwang pamilya ni Bundoquin. 

Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng: 

#D3BIO

#DTX500

#PURECEE

#DTXCOFFEEMIX 

Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan. 

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog