Libo-libong katao ang naapektuhan ng pananalasa ng bagyong #BettyPP mula sa mga lugar sa Luzon at Visayas.
Batay sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk
Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 30,506 na katao na ang apektado
ng nasabing bagyo galing sa mga lugar ng Cordillera Administrative Region,
Ilocos region, Cagayan Valley, Central Luzon, Mimaropa, at Western Visayas.
Sa bilang na ito, 5,990 ang maagang nailikas dahil sa
ipinatupad na pre-emptive evacuation ng ilang lokal na pamahalaan para sa
kaligtasan ng publiko.
Wala pa namang datos kaugnay ng halaga ng pinsala sa
ibat-ibang sektor ang NDRRMC, dahil hindi pa nakakalabas ng Philippine Area of
Responsibility ang bagyo.
Ayon sa PAGASA, inaasahang lalabas ng PAR si #BettyPH
ngayong gabi o bukas, araw ng Biyernes ng madaling araw.
|Rio Trayco
Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga
bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it
Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments