HISTORY PROFESSOR, NANINIWALA NA DAPAT DIN NA BIGYANG
PAGKILALA ANG MGA BUHAY NA BAYAN ISA BANSA
Ni Teresa Iguid
Naniniwala ang History Professor sa isang paaralan sa
probinsya ng Aklan na hindi lamang patay na bayani ang dapat na binibigyang
pugay at pagkilala.
Sa panayam kay Ramon Quimpo Jr. sa programang Foro De Los Pueblos, ipinunto nito na marami pa ang mga buhay na bayani sa bansa na dapat din na bigyang pagkilala, tulad na lamang ng mga frontliners ang kanilang serbisyo para sa bansa.
Ito aniya ay ang mga taong naging malaki ang parte sa paglaban sa nakamamatay na COVID-19 virus sa kasagsagan ng pandemya.
Maging aniya ang mga organisasyon at pribadong tao ay may malaki din na ambag upang makapagbigay tulong at serbisyo sa mga panahong hirap ang nakararami dahil sa naturang virus.
Itong pahayag ni Quimpo ay kaugnay sa naging selebrasyon ng ika-125th anniversary ng Independence Day sa Pilipinas nitong Hunyo 12.
Samantala, pinuri din nito ang naging kontribusyon ng
nasabing mga bayani sa bansa na nagpapakita aniya ng pagmamahal sa bayan.
.png)
0 Comments