MGA NAMATAY SA BANGGAAN NG 3 TREN SA INDIA, AABOT SA HALOS 300
Ni John Ronald Guarin
Aabot sa 288 katao ang
namatay habang 850 naman ang sugatan sa nadiskaril na isang tren at bumangga sa
dalawa pang tren sa Eastern India.
Ayon sa mga opisyal,
dinala na ang mga nasugatan sa mga ospital. Sinabi nila na prayoridad nila
ngayon na iligtas ang iba pang mga pasahero at bigyan ng health support ang mga
nasugatan.
Sa isang tweet,
ipinaabot ni Indian Prime Minister Narendra Modi ang kanyang pakikiramay at
pagdadalamhati sa pamilya ng mga namatay sa nangyaring train collision at
umaasang agad makarekober ang mga sugatan.
Nagpadala na rin ng
mensahe ng pakikiramay ang Prime Minister ng Nepal na si Pushpa Kamal Dahal at
ang US State Department.
Ito na ang pinakamalalang
rail accident na nangyari sa nasabing bansa sa nakalipas na higit dalawang
dekada.
📸League of India
Ang
balitang ito ay hatid sa inyo ng:
Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga
bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it
Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments