PRINSESA NG TONGA, PUMANAW SA EDAD NA 75; INILIBING NA SA ROYAL TOMBS

 

📸Tagata Pasifika


PRINSESA NG TONGA, PUMANAW SA EDAD NA 75

Ni John Ronald Guarin

 

Pumanaw na sa edad na 75 ang prinsesa ng Tonga na si Her Royal Highness Princess Mele Siu'ilkutapu Kalaniuvalu Fotofili at inilibing na sa Royal Tombs, Mala'e Kula, nitong Hunyo 3 ng umaga.

 

Hindi pa nailalabas ang detalye sa totoong sanhi ng pagkamatay ng prinsesa ngunit inanunsyo na lamang na pumanaw ito noong Mayo 28 sa Auckland City Hospital sa New Zealand.

 

Dumalo sa libing ng prinsesa sina HRH Princess Sālote Mafile’o Pilolevu Tuita at Lord Tuita, Crown Prince Tupouto'a 'Ulukalala at Crown Princess Sinaitakala, Prince Ata at HRH Princess ‘Ofeina ‘e he Langi Fakafanua, kasama ang iba pang miyembro ng Royal Family.

 

Habang dinadala ang katawan ni Princess Mele sa Royal Tombs, nakalinya at nakaupo habang nakayuko ang mga estudyante at mga naghihinagpis sa pagkamatay ng prinsesa bilang respeto.

 

Si Princess Mele Siu'ilikutapu, na pinanganak noong Mayo 12, 1948, ang pangalawa sa 10 grandchildren ng dating reyna na si Queen Salote Tupou III.

 

Siya ang panganay na babae nina Prince Fatafehi Tu’ipelehake at Princess Melenaite Tupoumoheofo Veikune.

 

Kilala si Princess Mele bilang lider ng Tongan community sa New Zealand; naging kauna-unahang babaeng inihalal sa Legislative Assembly sa Tonga at naging People's Representative noong 1976-1978.


📸Tagata Pasifika

 

Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:

#D3BIO

#DTX500

#PURECEE

#DTXCOFFEEMIX

Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog