Ni John Ronald Guarin
Tinitiyak ng Bureau of
Immigration na magiging hassle free ang immigration processing sa mga Muslim na
pupunta sa Saudi Arabia para sa Haj Pilgrimage sa susunod na buwan.
Ayon kay Immigration
Commissioner Norman Tansingco, nakapalabas sila ng operations circular na
nakasaad na papabilisin nila ang proseso sa immigration kapag aalis mula sa
paliparan.
Aatasan ang mga focal
person na magbibigay ng advance list ng mga lilipad patungong Mecca sa mga
opisyal ng National Commission on Muslim Filipinos.
Maglalatag din ng
special lanes sa mga paliparan para mabilis na maproseso ang mga bibiyaheng
Muslim.
Dagdag ni Tansingco, tinatayang nasa 7,000 mga Pilipinong Muslim ang inaasahang lalahok sa Haj Pilgrimage ngayon taon.
Ang
balitang ito ay hatid sa inyo ng:
Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga
bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it
Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments