Humina na ang epekto ng bagyong Betty habang unti-unti na itong lumalayo sa bansa.
Base sa 11:00 am forecast ng PAGASA ngayong araw, tinanggal
na ang storm signal sa Batanes na huling lugar na malapit sa dinaanan ng
nasabing bagyo.
Namataan ang bagyo ayon sa huling datos sa layong 570
kilometers northeast ng Itbayat, Batanes taglay ang lakas ng hangin na 100
kilometers per hour (kph) at pagbugso na aabot sa 125 kph.
Inaasahang lalabas sa Philippine Area of Responsibility si
Betty ngayong gabi o bukas ng umaga at tatami naman ito sa Ryukyu Islands sa
Japan.
Makakaranas pa rin ng malakas na pag-uulan ilang bahagi ng
bansa dahil naman sa epekto ng southwest monsoon o “habagat.”
|Rio Trayco
Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments