LGU KALIBO, HANDA NA SA SELEBRASYON NG KAPISTAHAN NI SR. SAN JUAN DE BAUTISTA

 


LGU KALIBO, HANDA NA SA SELEBRASYON NG KAPISTAHAN NI SR. SAN JUAN DE BAUTISTA

Ni Jurry Lie Vicente

 

Naghahanda na ang lokal na pamahalaan ng Kalibo para sa nalalapit na selebrasyon ng kapistahan ni Sr. San Juan De Bautista, sa Hunyo-24.

 

Ito ang inihayag ni Ms. Ara Vargas, Committee Affairs Officer II, sa panayam ng Radyo Bandera Sweet FM Kalibo.

 

Kaugnay dito, magsisimula rin aniya ang mga programa at aktibidad sa Hunyo 21 kasabay ng pagbubukas ng “Kaean-an sa kalye 2023” sa Martelino St., Pastrana Park Kalibo at magtatagal ito hanggang Hunyo 23.

 

Aniya, may mga entertainment at live bands na magpeperform habang kumakain ang mga bisita sa kalye.

 

Tinatayang nasa 20 establisyemento ang makikilahok sa nasabing Food Festival kung saan makikita ang mga iba’t-ibang Filipino dishes, Mexican food at desserts.

 

Bukod dito, magkakaroon din ng mga palaro sa Pook Jetty Port sa Kalibo at may inihandang papremyo ang lokal na gobyerno sa mga mananalo.

 

Samantala, inaanyayahan din nito ang publiko na suporatahan ang mga programa ng lokal na gobyerno para sa naturang selebrasyon.

 

Ang bahaging ito ay hatid sa inyo ng:

#D3BIO

#DTX500

#PURECEE

#MIGHTYCEE

#DTXCOFFEEMIX

Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog