7 TERORISTA, SAWI SA ISINAGAWANG OPERASYON SA MAGUINDANAO
Ni Christian Jhon Dela Cruz
Sa isang raid na isinagawa ng mga security forces
nang madaling araw nitong Linggo, June 18, matagumpay na nasalakay ang isang
high-profile na terrorist cell sa bayan ng Datu Paglas, Maguindanao del Sur.
Ang operasyon na pinangunahan ng Criminal
Investigation and Detection Group (CIDG), kasama ang pulisya ng Bangsamoro
Autonomous Region at mga militar, ay nagresulta sa pagkapatay ng pitong
suspetyadong terorista.
Ang pangunahing mga target ng operasyon ay sina
Nasser Yusseff Husain at ang kanyang kapatid na si Norjihad, na kilala rin
bilang Datdat Usop at Tutin Usop.
Ang magkakapatid na Husain ang mga pangunahing
personalidad na sangkot sa pag-organisa ng maramihang pambobomba sa mga bus at
mga power tower sa Central Mindanao mula 2010 hanggang 2017, sa kaso ng
kamakailang paglusob sa Datu Paglas Public Market, at ang anim na oras na
pananakop na ginawa ng ipinagbabawal na Bangsamoro Islamic Freedom Fighters
(BIFF) noong Mayo ng 2021.
Dumating ang mga pinagsamang security forces at mga
sundalo sa Barangay Damawato, Datu Paglas, na may dalang mga search warrant ng
mga bandang 2 A.M. ng madaling araw.
Tumanggi ang mga suspek na makipagtulungan at kaagad
na nagpaputok ng baril, na nagpasimula ng isang malalang sagupaan na tumagal ng
mahigit dalawang oras, ngunit dahil sa retalyasyon ng mga pwersang
pangseguridad ay nagapi ang pitong mga suspek na sangkot sa palitan ng putok.
Ang mga pinatay na indibidwal, bukod sa mga kapatid
na Husain, ay nakilalang sina Mamex Karem, Dela Singkala, Morsid Madidis, Jerry
Pagugunang, at ang kanyang kapatid na si Punpugay. Ilang malalakas na baril,
kabilang ang isang M16 colt rifle, dalawang caliber .45 pistol, at iba't iba
pang mga bala, ay nasamsam sa raid.
Walang naiulat na nasawi sa hanay ng mga pwersa ng
pamahalaan, ngunit mayroong isang pulis na korporal na nasugatan sa nangyaring
pagsalakay.
Ipinahayag ni Brigadier General Allan Nobleza,
regional commander ng Police Regional Office - Bangsamoro Autonomous Region in
Muslim Mindanao, ang kapanatagan sa resulta ng operasyon.
Sa kasalukuyan, iniimbestigahan ng mga awtoridad ang
mga posibleng koneksyon ng mga pinatay na suspek sa ambush na humantong sa
pagkamatay ng dalawang pulis sa Shariff Aguak, Maguindanao, ilang araw bago ang
raid.
Nananatili ring nasa high alert status ang puwersa ng
pulisya sa Bangsamoro Autonomous Region habang patuloy nilang pinananatiling mapayapa
at ligtas ang lugar.
Ang
balitang ito ay hatid sa inyo ng:
Mabibili
sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and
Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga
bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it
Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments