‘JOINT COMMITTEE MEETING’ SA PAGITAN NG CHINA COAST GUARD AT PHILIPPINE COAST GUARD, ISINUSULONG NG CHINA


 

‘JOINT COMMITTEE MEETING’ SA PAGITAN NG CHINA COAST GUARD AT PHILIPPINE COAST GUARD, ISINUSULONG NG CHINA


Ni Sam Zaulda


Isinusulong ng pamahalaan ng China na muling buhayin ang ‘joint committee meeting’ sa pagitan ng Philippine Coast Guard at China Coast Guard kaugnay sa isyu ng West Philippine Sea.

Ayon kay PCG spokesperson ng West Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela, wala aniyang nagawang malaking kasunduan sa nakalipas na mga pagpupulong sa isyu ng WPS.

Matatandaang ginanap ang unang joint meeting noong 2017 sa Subic, Zambales kung saan nagkasundo ang China at Pilipinas na palakasin ang kanilang maritime cooperation sa paglaban sa drug trafficking at iba pang transnational crime, search and rescue, environment protection at emergency response.

Sa ngayon ay nanindigan ang gobyerno ng Pilipinas na dapat dumaan sa Department of Foreign Affairs ang lahat ng anumang pag-uusap ng mga bansa o ang diplomatic channels.


Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:

#D3BIO

#DTX500

#PURECEE

#DTXCOFFEEMIX

Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog