WEATHER UPDATE | Bagyong “Chedeng”,
isa nang severe tropical storm
Ayon sa PAGASA, malapit nang
maabot ng bagyo ang typhoon category matapos na mapanatili ang lakas nito
habang nasa ibabaw ng Philippine Sea.
Taglay ng bagyong ‘Chedeng’
ang lakas ng hangin na umabot sa 95 km/hr habang namataan ang sentro nito sa
1,090 km silangan ng Central Luzon.
Nitong Miyerkules, tuluyan
nang naging severe tropical storm ang sama ng panahon na
siyang posibleng magpalakas sa hanging habagat na magdadala ng mga pag-ulan.
Bagama’t lumalakas ang
hanging dala ng habagat ay maaari pa ding magbago ang timing at intensity ng pag-ulan
sa bansa dahil nakadepende pa rin ito sa pag-enhance ng monsoon sa forecast
movement at intensity ng Chedeng.
Gayundin ang interaksyon
nito sa iba pang weather systems na nakapalibot rito.
Samantala, mababa naman ang
posibilidad na mag-landfall ang bagyo sa bansa pero makakaranas naman ang ilang
lugar ng kalat-kalat na pag-ulan.
|Sam Zaulda
Ang balitang ito ay hatid sa
inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga
botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa
Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod –
tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

0 Comments