KAMPO NI TEVES, NABABAHALA SA UMANO’Y PAG-TORTURE AT PANUNUHOL NG MGA MATATAAS NA OPISYAL SA SUSPEK

 


KAMPO NI TEVES, NABABAHALA SA UMANO’Y PAG-TORTURE AT PANUNUHOL NG MGA MATATAAS NA OPISYAL SA SUSPEK

Ni Sam Zaulda

Ikinabahala ni Atty. Ferdinand Topacio, lead counsel ni Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves, Jr. ang umano’y pagto-torture at panunuhol ng ilang matataas na opisyal ng Department of Justice sa suspek na itinuturong utak sa Degamo killing.

Ayon kay Topacio, kasalukuyang nakakulong ang suspek na si Marvin Miranda sa National Bureau of Investigation (NBI) kung saan sa kabila ng ilang mga banta at pagto-torture ay tikom pa rin ang bibig nitong magbigay ng pahayag ukol sa nangyaring pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Nauna nang naghain ng reklamo ang mga kaanak ni Miranda sa umano’y pagto-torture kay Miranda sa loob ng selda upang mapaamin at gumawa ng affidavit na magdidiin kay Teves sa krimen.

Samantala, pinangangambahan din ni Topacio ang pag-imbento ng ilang opisyal ng mga gawa-gawang ebidensya na magdidiin kay Teves.


Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:

#D3BIO

#DTX500

#PURECEE

#DTXCOFFEEMIX

Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog