ISLA NG BORACAY HANDA SA SELEBRASYON NG KAPISTAHAN NI SR. SAN JUAN DE BAUTISTA


 

ISLA NG BORACAY HANDA SA SELEBRASYON NG KAPISTAHAN NI SR. SAN JUAN DE BAUTISTA


Naghahanda na ang Barangay Manocmanoc sa isla ng Boracay para sa nalalapit na selebrasyon ng kapistahan ni Sr. San Juan De Bautista, sa Hunyo-24.

Sa panayam ng Radyo Bandera Sweet FM Kalibo kay Punong Barangay Nixon Sualog, sinabi nito na may nakalatag na mga aktibidad para sa naturang selebrasyon.

Kaugnay dito, magkakaroon ng karera ng mga bangka sa nasabing aktibidades, mga isports kagaya ng Basketball, volleyball, swimming at mga parlor games sa Hunyo 24.

Habang sa Hunyo 23 naman ay magpe-perform ang ilang mga banda.

Sa kabila nito, nilinaw ni Kapitan Sualog na mahigpit na ipinagpapabawal ang pagsasagawa ng party sa front beach gayundin ang mga nakakalasing na inumin upang mapanatiling malinis at mapayapa ang lugar.

Samantala, inaasahan na ang pagdagsa ng mga turista sa isla sa taunang selebrasyon ng kapistahan ni Sr. San Juan De Bautista.


//Jurry Lie Vicente

Ang bahaging ito ay hatid sa inyo ng:

#D3BIO

#DTX500

#PURECEE

#MIGHTYCEE

#DTXCOFFEEMIX

Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog