DEPED, MAKAKATANGGAP NG P3K BONUS SA KANILANG 125TH
ANIBERSARYO
Aprubado na ni Vice-President at DepEd Secretary Sara Duterte ang isang department order na magbibigay sa bawat kwalipikadong tauhan ng Kagawaran ng Edukasyon ng P3,000 na bonus.
Ito’y kaugnay sa pagdiriwang ng ika-125th Anibersaryo ng Deped sa darating na Hunyo 23, 2023.
Ipinahayag ni VP Duterte na tanging mga opisyal at empleyado ng Deped na nagserbisyo ng hindi bababa sa isang taon ang makakabenepisyo ng nasabing bonus.
Habang, ipinaliwanag naman ng Deped na tuwing Milestones
Years lang ng ahensya ibinibigay ang anniversary bonus sa mga empleyado nito.
Samantala, nitong Hunyo 19 ay nilagdaan ni Duterte ang DepEd No. 11 s. of 2023 o ang Policy on the Grant of the Anniversary Bonus sa Department of Education.
//Sam Zaulda
Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:
Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments