MDRRMO KALIBO, BINALAAN ANG PUBLIKO KAUGNAY SA KASO NG HACKING AT SCAMS


 

MDRRMO KALIBO, BINALAAN ANG PUBLIKO KAUGNAY SA KASO NG HACKING AT SCAMS


Nagpaalala sa publiko ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office – Kalibo kaugnay sa mga kaso ng hacking at scams gamit ang social media at electronic wallet.

Sa panayam ng Radyo Bandera Kalibo kay Mr. Terrence Toriano ng MDRRMO Kalibo, sinabi nito na dapat tandaan at huwag kalimutan ang mga password sa Facebook Account.

Dagdag pa rito, may ilang kaso rin aniya na kumukuha ng impormasyon sa mga account owner ng isang FB Page o iba pang social media site.

Mas mabuti aniya na itago o gumawa ng kopya ng password na ikaw lang ang makaka-access at nakakaalam.

Kaugnay nito, inirekomenda ni Toriano na iwasan nalang ang pagtanggap ng friend request lalo na kung hindi sigurado sa katauhan nito dahil maaari itong maging scam.

Kung sakaling makatanggap ng mensahe mula sa numerong hindi nakarehistro sa contacts ay huwag agad ibigay ang personal na impormasyon.

Sa mga humihingi naman ng One-time Password (OTP), siguraduhin na ito’y lehitimo at kaagad iblock upang mapigilan ang scammer.

Samantala, kapag na-hack na ang account, subukan itong irecover sa pamamagitan ng cellphone number na nakarehistro sa account, emails at recovery pin o di kaya humingi ng tulong sa esksperto.


//Jurry Lie Vicente

Ang bahaging ito ay hatid sa inyo ng:

#D3BIO

#DTX500

#PURECEE

#MIGHTYCEE

#DTXCOFFEEMIX

Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog