![]() |
| Photo Courtesy: Taste Atlas |
ILANG PAGKAING PINOY, PASOK SA 50 BEST LAMANLOOB DISHES
SA BUONG MUNDO
Ni Sam Zaulda
Napabilang ang ilang mga pagkaing Pinoy sa 50 Best lamanloob
dishes sa buong mundo, ayon sa Taste Atlas, isang kilalang online food guide.
Kabilang sa mga nakapasok ang isaw, proben, dinuguan,
bopis, at papaitan kung saan nasa ika-16th best spot ang isaw at 22nd
spot naman ang proben.
Ayon sa Taste Atlas, kinikilalang sikat na Filipino
street food dish ang isaw ng baboy at manok na maaaring i-marinate, pakuluan,
at ihawin na kadalasang nakatuhog sa isang stick.
Habang, ang proben ay isa sa mga masustansya at ‘satisfying’
na meryenda ng mga Pilipino.
Nakuha naman ng dinuguan ang top 29 sa listahan ng Taste
Atlas, top 36 ang bopis at top 50 naman ang papaitan.
Samantala, dalawa pang pagkaing Pinoy na panghimagas ang
muling napabilang sa inilabas na listahan ng ’50 Best Rated Frozen Desserts in
the World’ ng Taste Atlas na sorbetes at halo-halo.
Ang bahaging ito ay hatid sa inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#MIGHTYCEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De
Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refendor’s Building Osmenia Ave.
Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag
kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

0 Comments