2 HIGH-POWERED NA ARMAS AT IBA PANG WAR MATERIAL, NAREKOBER SA ENGKWENTRO SA LIBACAO, AKLAN

 

Courtesy: 12th Infantry (Lick ‘Em) Battalion

2 HIGH-POWERED NA ARMAS AT IBA PANG WAR MATERIAL, NAREKOBER SA ENGKWENTRO SA LIBACAO, AKLAN

Ni Sam Zaulda

Nasamsam ng mga tropa ng 12th Infantry (Lick ‘Em) Battalion, 3rd Infantry (spearhead) Division, Philippine Army ang ilang mga armas at war material mula sa nangyaring engkwentro sa Sitio Itabag, Brgy. Manika, Libacao, Aklan noong Hunyo 7, 2023.

Ayon sa report, nangyari ang sagupaan sa pagitan ng CPP-NPA Terrorists at ng militar matapos rumesponde ang tropa ng 12IB at 602nd Coy, RMFB6 sa isang ulat ng lokal na mamamayan ukol sa presensya ng mga armadong grupo na nagsasagawa ng pangingikil sa nasabing lugar.

Tumagal naman ng 25-minuto ang pagpapalitan ng putok mula sa hanay ng 12IB at humigit-kumulang 20 miyembro ng CNTs na pinaniniwalaang kasapi ng Igabon Platoon, Central Front, KR-Panay.

Kaugnay nito, narekober sa pinangyarihan ng engkwentro ang dalawang (2) M16 rifle, isang (1) rifle grenade, isang (1) anti-personnel mine, limang (5) short magazines for M16 rifle, pitong (7) magazines for AK47 rifle, apat (4) NPA flags, subversive documents, cellphones, Baofeng radios, at backpacks na may personal belongings.  


Courtesy: 12th Infantry (Lick ‘Em) Battalion

Wala namang naiulat na pinsala sa hanay ng gobyerno subalit inaalam pa ang nakitang bakas ng mga dugo na hinihinalang mula sa sugatang miyembro ng CNTs.

Samantala, malinaw na ipinapakita ng nangyaring sunod-sunod na engkwentro sa bayan ng Libacao na hindi na basta-bastang nalilinlang ang mga residente nito pati hindi na rin ito aktibong nagbibigay ng suporta sa mga miyembro ng terrorista.

 

Ang bahaging ito ay hatid sa inyo ng:

#D3BIO

#DTX500

#PURECEE

#MIGHTYCEE

#DTXCOFFEEMIX

Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refendor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog