4 NA BATANG MULA SA INDIGENOUS COMMUNITY SA COLOMBIA, NATAGPUANG BUHAY

 

Miracle in Amazon Jungle: Four children found alive in Colombian jungle 40 days after plane crash

4 NA BATANG MULA SA INDIGENOUS COMMUNITY SA COLOMBIA, NATAGPUANG BUHAY

Ni Sam Zaulda

Natagpuang buhay ang apat na batang mula sa isang katutubong komunidad ng Colombia sa katimugang bahagi ng lugar nitong Biyernes, limang linggo matapos ang nangyaring pagbagsak ng eroplano.

Ayon kay President Gustavo Petro ng Colombia, nasagip ang magkakapatid ng mga militar malapit sa border ng Caqueta at Guaviare na pawang mga probinsya ng naturang bansa.

Kung matatandaan, nag-isyu ng Mayday alert ang Cessna plane 206 na may sakay na pitong katao dahil sa engine failure habang ito’y nasa ruta ng Araracuara, sa Amazonas province, at San Jose del Guaviare, isang syudad sa Guaviare province.

Naiulat namang nasawi ang tatlong sakay ng eroplano kasama na ang piloto at ang nanay ng apat na magkakapatid habang maswerte namang nakaligtas sa aksidente ang mga batang may edad na 13, 9, 4 at ang 12-buwang sanggol.

Samantala, labis ang sayang nadarama at pasasalamat ng lolo ng mga batang natagpuan dahil sa balitang buhay ang mga ito.


Ang bahaging ito ay hatid sa inyo ng:

#D3BIO

#DTX500

#PURECEE

#MIGHTYCEE

#DTXCOFFEEMIX

Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refendor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog