IBA’T-IBANG AKTIBIDAD, INIHANDA PARA SA TATLONG ARAW NA SELEBRASYON NG 74TH MALAY FOUNDATION DAY
Ni Teresa Iguid
Iba’t-ibang aktibidad ang inihanda ng LGU-Malay katuwang ang Malay- Tourism Office, bilang bahagi ng tatlong araw na selebrasyon ng 74th Malay Foundation Day.
Ilan na dito ang Tinda Turismo at Savor Malay, na nagsimula ngayong araw at magtatagal hanggang bukas, na naglalayong ma-promote at ipakita ang mga produktong gawang Malaynon gayundin ang ipinagmamalaking local dishes.
Habang nakatakda rin ang Malay Biniray Paraw Regatta competition bukas, Hunyo-15 sa ala-una ng hapon sa Balusbos, Beach ng nasabing bayan.
Maliban dito ay mayroon pang iba’t-ibang aktibidad na aabangan sa nasabing pagdiriwang na nagsimula kahapon at magtatapos naman bukas.
Samantala, mababatid na ang nasabing selebrasyon ay bilang paggunita sa pagbukod ng Malay sa bayan ng Buruanga.
Ang bahaging ito ay hatid sa
inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#MIGHTYCEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga
botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa
Refendor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod –
tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

0 Comments