Mahigpit na ipinagbabawal ng
Kalibo PNP ang pagsuot ng substandard na helmet ng mga motorista sa bayan ng
Kalibo.
Sa panayam ng Radyo Bandera
Sweet FM Kalibo kay PLT. George Flores, hepe ng Kalibo MPS, sinabi nito na
marami pa ring motorista ang gumagamit ng half-face at nutshell na helmet sa
probinsya ng Aklan.
Ipinaliwanag din nito na
hindi pwede sa motor ang naturang mga helmet sapagkat hindi nito kayang
protektahan ang motorista.
Sa ngayon, patuloy aniya ang
kanilang pagbibigay ng paalala sa mga motorista kaugnay sa R.A. 10054 o Helmet
Law kung saan lahat ng motorcycle rider ay kinakailangang magsuot ng standard
na helmet.
Nilinaw naman nito na ipinagbabawal
din ang pagsuot ng mga substandard na helmet kahit na full-face ang mga ito.
Samantala, posibleng
ipapatupad umano ang nasabing batas sa mga susunod na buwan kung kaya’t
inaabisuhan ang mga motorista na mag-ipon at bumili ng standard na helmet dahil
malaking tulong ito para sa kanilang kaligtasan.
|Jurry Lie Vicente
Ang balitang ito ay hatid sa
inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga
botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa
Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod –
tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments