NATURAL PARK NA MAKIKITA SA AKLAN AT ANTIQUE, IBINIDA SA ISANG DOKUMENTARYO
Ni John Ronald Guarin
Ibinida sa isang mini
documentary ang Northwest Panay Peninsula Natural Park (NPPNP) kung saan ibinandera
rito ang isa sa natitirang mababang kagubatan sa buong Pilipinas.
Ang dokumentaryong “The
Northwest” na gawa ng Aklan Trekkers Inc., sa tulong ng PhilinCon, mga kapwang
non-government organizations, ang nanguna sa pagbigay ng impormasyon at kamalayan
tungkol sa Northwest Panay Peninsula Natural Park na isang protected area na
sakop ng probinsya ng Aklan at Antique.
Mapapanood sa dokumentaryong ito ang lahat ng mga detalye tungkol sa endanegered flora at fauna na makikita lamang sa naturang kagubatan.
Ibinida rin dito ang forest
rangers ng PhilinCon na patuloy na pumoprotekta sa protected area laban sa mga
armadong mandarambong na gumagawa ng iligal na mga aktibidad sa lugar at umaabuso
sa yaman nito.
Ayon kay Richard Cahilig,
co-founder ng Aklan Trekkers Inc., makikita sa kanilang iginawang dokumentaryo ang
ganda sa loob ng natural park, pati na rin ang paninira na naging resulta sa
aktibidad ng mga poacher.
Nais ng kanilang grupo
na maipakita sa publiko ang natural na yaman at ganda ng Northwest Panay
Peninsula Natural Park at ang kahalagahan ng pagprotekta nito hindi lamang para
sa ikabubuti ng kalikasan, kundi para na rin sa kaligtasan at kabuhayan ng komunidad
na sakop nito.
Mapapanood ang dokumentaryong
“The Northwest” sa Youtube: https://www.youtube.com/watch?v=pV2o52jRbvc
0 Comments