Humihiling ng prangkisa sa LGU Kalibo ang Villacar
Transit para sa pagsasaayos ng kanilang Ceres terminal sa Barangay Estancia.
Sa panayam ng Radyo Bandera Sweet FM Kalibo kay SB Member
Matt Aaron Guzman, committee chair ng transportation, sinabi nito na humihiling
ang pribadong kompanya ng prangkisa mula sa lokal na pamahalaan.
Aniya, kailangan nila ang nasabing prangkisa upang
mabigyan sila ng pondo ng kanilang opisina para sa pagsasaayos ng kanilang
lugar sa Kalibo.
Aniya, isa itong magandang landmark dahil malaki ang
naturang lugar at makakatulong din ito sa employment sa kabiserang bayan.
Samantala, nasa komite pa lamang umano ang ordinansa at
dadaan pa ito sa maraming proseso.
|Jurry Lie Vicente
Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili
sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and
Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga
bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it
Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments