Inanunsyo ng Office of the
Civil Defense na mayroong P500-milyong halaga ng quick response fund (QRF) ang
gobyerno na nakalaan para sa kakailanganing relief operations ng mga
maaapektuhan ng bagyong Betty.
Sinabi ni OCD administrator
Undersecretary Ariel Nepomuceno na maaari itong hatiin sa Php256.2-milyon para
sa standby QRF ng taong 2023 at Php244.7-milyon naman para sa nagpapatuloy na
QRF mula noong nakaraang taon.
Maliban dito, mayroong
kabuuang Php108.2-milyong halaga ng prepositioned non-food-items ang mga
regional office ng OCD.
Ang nasabing pondo ay nakahanda
nang ipamigay para sa mga apektadong komunidad habang ang iba pang pondo ng
gobyerno ay nanatiling naka-standby kabilang na rito ang mga kagamitan sa
emergency telecommunications, transportation assets at iba pa.
Samantala, nagtalaga naman ng
kabuuang 1,679 na grupo ang Armed Forces of the Philippines, Philippine
National Police, Bureau of Fire Protection at Philippine Coast Guard na naka-standby
para sa search, rescue at retrieval operations.
Ang balitang ito ay hatid sa
inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga
botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa
Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod –
tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments