Umaabot na sa mahigit 700 baboy ang naitalang kinatay mula sa apat na bayan sa probinsya ng Aklan matapos magpositibo sa African Swine Fever (ASF), batay sa datos ng Office of the Provincial Veterenarian.
Ito ang kinumpirma ni Dr. Joseph Lachica ng OPVET Aklan, sa panayam ng Radyo Bandera Sweet FM Kalibo.
Aniya, nagpapatuloy pa sa ngayon ang kanilang pag-consolidate ng mga datos mula sa kada munisipyo at posibleng madagdagan pa ito.
Ang mga naitalang numero ay nagmula sa bayan ng Balete, Numancia, Kalibo at Tangalan.
Sa ngayon, may ilang barangay sa Kalibo ang patuloy ding minomonitor ng OPVET habang hinihintay pa ang resulta ng mga kinuhang blood samples.
Samantala,
pinayuhan din nito ang mga hog raiser na huwag matakot kung namatayan ng alagang
baboy, sa halip kaagad aniya itong ipagbigay alam upang makatanggap ng ayuda.
|Jurry Lie Vicente
Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga
bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it
Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments