Mas lumakas ang
Super Typhoon Mawar habang papalapit sa Philippine area of responsibility
(PAR), ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services
Administration (PAGASA)
Batay sa 4am
bulletin ng PAGASA, taglay na nito ang lakas ng hangin na 215 kilometro kada
oras malapit sa gitna at bugso na umaabot ng 265 kilometro kada oras.
Huling namataan
ang bagyo sa distansiyang 1,740 kilometro sa silangan ng Southern Luzon at
kumikilos sa direksyon ng kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Maaaring ngayon
araw o bukas ay magtaas ng wind signals ang PAGASA dahil sa epekto ng bagyo.
Habang sa Linggo
ng gabi ay posibleng makaranas ng matinding pag-ulan ang Hilagang Luzon.
Posible ring
palalakasin nito ang habagat, na magdudulot ng pag-ulan sa kanlurang bahagi ng
Central Luzon, Southern Luzon at Visayas simula sa Linggo o Lunes.
Ang Lungsod
ng Maynila ay maaring makaranas ng maulap na panahon na may kalat-kalat na
pag-ulan ngayon araw.
|Jurry Lie Vicente
Ang balitang
ito ay hatid sa inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa
lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness
Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera
it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan,
RADYO BANDERA!
0 Comments