MALA-HOLLYWOOD NA “GUIMARAS” SIGN SA JORDAN, AGAW ATENSYON
Ni John Ronald Guarin
Panibagong spot sa isla ng Guimaras ang nagbigay
atensyon sa netizens kung saan makikita ang mala-Hollywood sign na “Guimaras”
sa bundok ng Barangay Rizal sa bayan ng Jordan.
Ayon kay Governor JC Rahman Nava, isang pribadong
kompaniya ang nag-propose at gumawa ng nasabing “Instagrammable spot” sa
kanilang isla at tumulong aniya ang gobyerno probinsyal sa pagpapatuloy ng naturang
proyekto.
Dahil dito, nadagdagan ng atraksyon ang isla dahil
nakikita ito ng mga pasahero ng mga sea vessel na dumadaan o papunta sa
Guimaras.
Sa pahayag naman ni Vice Governor John Edward Gando,
nasa 18 feet ang taas ng kada letra at makikita agad ito sa lungsod ng Iloilo.
"At least may gamay nga atraksyon kun
nagapasulod ka pa lang sa Guimaras. Kun makita mo na, daw mapilitan ka nga
magpa-picture gid... Kun ara ka da may istoryahan kamo... Instagrammable,” suno
sa gobernadora,” dagdag pa ni Gov. Nava.
Itinayo sana ang nasabing proyekto bago ang Manggahan
Festival pero hindi ito nakaabot dahil sa patuloy na pag-ulan sa naturang isla.
Ang
balitang ito ay hatid sa inyo ng:
Mabibili
sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and
Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga
bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it
Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments