SUSPEK SA PANANAKSAK AT PANGHO-HOLD UP SA BORACAY, KINASUHAN NA


Ni Teresa Iguid 

Sinampahan na ng kaso ang suspek sa nangyaring pananaksak at tangkang pangho-hold up ng dalawang babae sa Isla ng Boracay.

Matatandaan na nangyari ito Miyerkules ng gabi (Mayo 3) pasado alas-10 ng gabi sa Sitio Lugutan,Brgy. Manocmanoc, Boracay. 

Sa panayam ng Radyo Bandera News Team, nabatid sa mga biktimang sina Juwilyn Sinag at Beverly Mae Leones na una nilang inakala na lasing lamang na nakasabay nilang naglalakad ang lalaki. 

Ngunit nang hiningi na nito ang cellphone ni Sinag at pinagsasaksak ito, ay doon na nila napagtanto na hold-up ang nangyari at mapalad lamang na nakahingi agad sila ng tulong. 

Napag-alaman rin sa mga biktima na hindi nagkakalayo ang kanilang inuuwiang boarding house at ang inuuwian ng suspek dahilan para madalas nila itong nakikita. 

Habang sa pahayag naman ng suspek na si Jerry Alarcon, nabatid na “tripping” lamang para dito ang kaniyang ginawa na impluwensya aniya ng alak. 

Ayon kay Alarcon, inakala nitong lalaki si Sinag at magkasintahan ang dalawa kung kaya’t naisipan nya itong takutin, habang itinanggi rin nito na kinuha nya kay Sinag ang cellphone. 

Samantala, itinuturing naman ng otoridad na isolated case ang nangyaring insidente.

Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:
Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog