Ni Teresa Iguid
Nangibabaw ang ganda ng kandidata mula sa bayan ng Libacao
matapos na itanghal bilang kauna-unahang Miss World Aklan si Philiana Hedy
Zante, sa naging Miss World Aklan 2023 competition nitong Mayo 5.
Mula sa 16 na mga kandidatang naglaban-laban na makuha ang
nasabing titulo, mapalad itong nakuha ni Zante.
Matatandaan na una na ring kinoronahan bilang ‘Miss Radyo
Bandera Sweet FM’ si Zante at tumanggap ng tatlo pang special at corporate
awards sa naging ‘Ugsad’ fashion show, noong Abril 21.
Ang nasabing pageant ay kinabibilangan ng swimsuit competition, production number, evening gown, onstage question and answer at best Ethnics of Panay inspired costumes.
Kaugnay dito kinorohan naman bilang Miss Aklan Grand - San
Claire Saguano, ng Nabas, Miss Aklan Eco - Sandra Kamel, ng Tangalan, Miss
Aklan Eco Teen - Princess Shemiah Filomeno, ng Madalag at Miss Aklan Tourism -
Angelyn Mangubat, ng Kalibo.
Samantala, nilahukan din ito ng mga kilalang beauty queens
na nagsilbi bilang hurado para sa finals ng naturang beauty pageant.
0 Comments