WHO, IDINEKLARA ANG PAGTATAPOS NG COVID-19 GLOBAL HEALTH EMERGENCY

Ni Teresa Iguid

Idineklara ng World Health Organization ang pagwawakas ng COVID-19 global health emergency, nitong Biyernes.

Ito ay matapos ang naging pagpupulong ng WHO's Emergency Committee, kung saan inirekomenda na ideklara ng UN-agency ang pagtatapos ng public health emergency of international concern, na tatlong taon nang umiiral.

Matatandaan na una nang idineklara ng emergency committee ng WHO ang pinakamataas na level of alert ng COVI, noong Enero 30 2020. 

Kaugnay dito, sinabi naman sa isang pahayag ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, na hindi nangangahulugan ang pagwawakas ng emergency na hindi na banta sa kalusaugan ang COVID. 

Samantala, ipinunto rin nito na itong hakbang ay nangangahulugan na bumubuti na ang mundo, subalit nananatili pa rin ang COVID-19 kahit hindi na ito itinuturing na emergency.

Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:
Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!






Post a Comment

0 Comments

Search This Blog