Pinag-uusapan ngayon sa Sangguniang
Bayan ng Kalibo ang itinutulak na road widening operations sa nasabing bayan.
Sa naging SB session
kahapon, tinalakay ang resolusyon na isinusulong ni SB Phillip Kimpo na
humihiling kay Aklan Governor Jose Enrique Miraflores na magkaroon ng road
widening mula sa Kalibo Circumferential Road papunta sa New Kalibo Municipal
Government Center sa Sto. Vega, Brgy. Nalook, na bahagi ng provincial road.
Layon nitong hakbang na mas
mapalawak at maisaayos ang naturang daan lalo na at ito ang isa sa mga acess
road papunta sa ilang pasilidad ng Kalibo.
Sa kabila nito ay hiniling
naman ng ilang miyembro na linawin ang depinisyon ng tinutukoy na ‘widening’
dahil posible umano itong makaapekto sa mga naninirahan sa tabi ng daan
sakaling ipatupad ang plus 3 sa bawat gilid.
Sa huli ay napagkasunduan na
amyendahan ang nasabing resolusyon habang nakatakda namang magpatawag ng
committee meeting ang SB Kalibo upang mapag-usapan ang itinutulak na proposisyon.
|Teresa Iguid
Ang balitang ito ay hatid sa
inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga
botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa
Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod –
tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments