Nakatakdang itatag sa bansa ang national food stamp program bilang tugon sa problemang kinakaharap ng mga Pilipinong mahihirap.
Sa isang press briefing na
inorganisa ng Presidential Communications Office, tinalakay ni Department of
Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian ang “Walang Gutom 2027”,
isang food stamp program na makakatulong sa mga pamilyang Pilipino na kapos sa
buhay.
Dagdag pa rito, gagamit ng
electronic benefit transfers system ang ahensya sa pagpapatupad ng food stamp
program kung saan mayroong P3,000 halaga ang inilaan para sa food credits.
Ang nasabing halaga ay
gagamitin sa pagbili ng mga pagkain sa ilang DSWD-accredited retailers.
Samantala, layunin pa ng
food stamp program na mabigyan ng tulong ang mga mahihirap na pamilya sa bansa
na kumikita ng mas mababa pa sa P8,000 kada buwan.
|SAM ZAULDA
Ang balitang ito ay hatid sa
inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga
botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa
Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod –
tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments