Malapit nang pangunahan ng
Pilipinas ang mayroong pinakamahabang oras ng paggamit ng mobile phones
araw-araw sa buong mundo, ayon sa survey.
Mula sa inilabas na survey
ng Electronics Hub, tinatayang 9 na oras at 14 na minuto ang ginugugol ng mga
Pilipino sa pagbabad sa kanilang mobile phones kada araw.
Kung saan, katumbas ito ng
mahigit 32.5 porsyento.
Habang, nangunguna naman sa
poll survey ang South Africa na may 58.2% at panghuli ang Japan na may 21.7%.
Kaugnay nito, lumalabas din
sa survey ng Telenor na 29 porsyento ng mga Pilipino ay “digital dependent” na
siyang pinakamataas sa buong Asya.
Samantala, nabanggit pa sa
survey na ang mga Pinoy ang pinaka-masigasig sa paggamit ng mobile phones sa
Asya lalo na’t kabilang sa may pinakamaraming users ang Pilipinas sa buong
mundo na umaabot sa 69 milyon.
|SAM ZAULDA
Ang balitang ito ay hatid sa
inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga
botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa
Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod –
tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments