Aabot sa 300 ang inisyal na
bilang ng mga nahuling lumabag sa panuntunan ng batas trapiko sa isinagawang
operasyon ng Regional Law Enforcement Service ng LTO Regional Office sa
probinsya ng Aklan.
Sa nasabing bilang, 98 dito ang
kinumpirma ni LTO Aklan Chief Marlon Velez, na nahuli ng LTO-Kalibo habang ang
iba ay sa panig naman ng LTO-Ibajay.
Nabatid kay Velez, na karaniwan
sa mga nahuling violators ay mga driver ng colorum na sasakyan at iba pang
paglabag sa traffic rules and regulations.
Kaugnay dito, nakatakda
namang maharap sa kaukulang penalidad ang mga nahuling lumabag, na aabot sa
P200,000.
Samantala, malugod namang
ibinalita ni Velez na mas pina bilis na ngayon ang pag proseso sa mga may balak
na kumuha ng lisensya dahil ginawa nang district office ang dating satellite
office sa bayan ng Ibajay.
Itong hakbang ay naglalayong
maiwasan ang mahabang pila at ma decongest ang volume ng mga kliyente.
|Teresa Iguid
Ang balitang ito ay hatid sa
inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga
botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa
Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod –
tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

0 Comments