Ni Teresa Iguid
Aprubado na nang Senado ang panukalang P150 across the board wage increase sa lahat ng manggagawa sa pribadong sektor sa buong bansa.
Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, inaprubahan na ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources “in principle” ang naturang panukala na magbibigay ng P150 dagdag sa minimum wage.
Ito ay matapos ang pinakahuling legislated minimum wage noong 1989 sa halagang P89 bago maisabatas ang Republic Act 6727, na lumikha sa Regional Wage Boards.
Ayon pa sa Senate president, kakayanin naman ng pinakamalaking korporasyon sa bansa na magbigay ng umento partikular ng P150 dagdag sa arawan na minimum wage o P3,000 kada buwan.
Samantla, inaasahan naman na ilalabas ang committee report
nito sa loob ng dalawang linggo at maipapasa ang panukala bago mag-adjourn ang
Kongreso sa Hunyo.
Ang bahaging ito ay hatid sa inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga
bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it
Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments