UPDATE| Patuloy ang isinasagawang manhunt operation ng Libacao PNP sa isang Brgy Tanod na siyang suspek sa nangyaring pamamaril sa mismo nitong bayaw sa Brgy. Pampango, Libacao, Aklan.
Sa panayam ng Radyo Bandera News Team kay PCPT. Dexryl Tortuya, Hepe ng Libacao PNP, nabatid na una silang nakatanggap ng tawag na may nangyaring pamamaril sa nasabing lugar kung saan agad naman nila itong nirespondihan.
Nakilala ang bikitma na si Jiryl Lanciso, 32-anyos at ang suspek na napag-alaman na bayaw nito mismo ay si Wenny Zonio, na kapwa residente ng Brgy. Pampango, Libacao.
Ayon kay Tortuya, nag-ugat ang pamamaril matapos na magsalita ng kung anu-ano si Lanciso laban sa mga opisyal ng naturang Barangay. At dahil magkalapit lamang ang bahay ng suspek at biktima, narinig ito ni Zonio at agad na sinaway si Lanciso.
Dahil dito ay nagalit si Lanciso at lumabas ng bahay dala ang kawayan na may matulis na dulo, rason kung bakit lumabas din si Zonio dala ang baril at nagbigay ng warning shot matapos ang naging mainit na argumento sa kanilang pagitan.
Ngunit imbes na tumahimik ay mas nagalit pa ang biktima dahilan kung bakit ito pinaputukan ng suspek, na tinamaan sa tagiliran.
Nabatid kay Tortuya na walang dating away ang dalawa at pinaniniwalaan din na dala lamang ng nakakalasing na inumin ang nangyari.
Sa ngayon ay patuloy na ginagamot sa isang ospital sa bayan ng Kalibo si Lanciso habang patuloy naman na pinaghahanap ng mga otoridad si Zonio.
|TERESA IGUID
Ang bahaging ito ay hatid sa inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga
bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it
Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments